Wednesday, February 11, 2009
Ano ba and isang “Pie Chart”?
•
Isang bilog na pagglalarawang nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bilang ayon sa laki ng pagkakahati nito.• Ito ay maaaring magpakita ng proporsyon ng isang bahagi o bilang sa kabuuan. Maaari rin itong maglarawan ng takbo ng isang bagay sa loob ng itinakdang panahon.
Paano ang pagbasa ng isang “Pie Chart”?
• Basahin muna ang introduksyon kung para saan ang pie chart.
• Isang buong bilog ng “pie chart” ay katumbas ng 100% ng kabuuan.
• At ang kalahati ay katumbas ng 50%.
• Upang malaman kung aling impormasyon ang tinutukoy sa bahaging inilalarawan, mayroong “map-key” na nakalagay sa tabi ng chart.

Halimbawa:
Ang kulay asul na berde ay sa babae.
Ang kulay asul ay sa lalaki.
Ang kulay berde ay sa bading.
At ang kulay berdeng asul ay sa tomboy.
• Kung mapapansin ninyo mayroong kulay at nakatapat sa isang bahagi ang porsyento. Ito ay upang mawari ng magbabasa kung ilang porsyento o bilang meron ang isang datos na nakasaad.
Samakatuwid…
• Bilog ang anyo ng isang “Pie chart”.
• Hinahati ito na parang “pie” para sa bilang o porsyento ng isang datos.
• Laging 100% and kabuuan ng isang buong bilog ng “pie chart”.
• Ang bawat datos o impormasyong isasalin dito ay may sariling kulay.
• Gumagamit ito ng “map-key” upang maipakita o matukoy ng mabuti kung alin ba ang bahagi ng isang datos.
• Ipinapakita na rin nito ang porsyento o bilang ayon sa pagkakahati.
10:52 AM